Maraming matatandang pamahiin na hanggang ngayon ay namamayani pa rin at isa na rito ay ang mga pamahiin tungkol sa patay. Ilang araw pa lang ang nakararaan ng umuwi ako sa aming probinsya upang makiramay sa aking kaibigan na nawalan ng kanyang mahal sa buhay, at aking na obserbahan pa rin ang mga pamahiing ito. Alam ko naman na walang masama sa pamahiin subalit ang nakakapagtataka lang (at medyo nakakatawa) ay kung bakit hindi nila maipaliwanag kung bakit ito dapat gawin at sundin. Ito ang mga listahan nga mga pamahiin na aking napag ukulan ng pansin mula pa sa aking pagkabata.(Ang iba po dito ay hindi ko na obserbahan mga sa huling lamay na aking napuntahan subalit itulot nyo na ito ay maisama ko sa aking pagbabahagi.) Pamahiin Kapag May Patay 1 .Bawal magsuklay ng buhok sa lamay - Malas raw. Ito lang ang nakuha ko na paliwanag. Paano pag mukha ka ng bruha? Baka ang mga nakikiramay na nag matakot sayo. :-) 2. Bawal maligo sa bahay kung nasaan ang lamay - ...
(My life's journey and more)