Thursday, August 07, 2014

Mga Pamahiin sa Lamay at Libing

Maraming matatandang pamahiin na hanggang ngayon ay namamayani pa rin at isa na rito ay ang mga pamahiin tungkol sa patay.

Ilang araw pa lang ang nakararaan ng umuwi ako sa aming probinsya upang makiramay sa aking kaibigan na nawalan ng kanyang mahal sa buhay, at aking na obserbahan pa rin ang mga pamahiing ito.

Alam ko naman na walang masama sa pamahiin subalit ang nakakapagtataka lang (at medyo nakakatawa) ay kung bakit hindi nila maipaliwanag kung bakit ito dapat gawin at sundin.

Ito ang mga listahan nga mga pamahiin na aking napag ukulan ng pansin mula pa sa aking pagkabata.(Ang iba po dito ay hindi ko na obserbahan mga sa huling lamay na aking napuntahan subalit itulot nyo na ito ay maisama ko sa aking pagbabahagi.)


Pamahiin Kapag May Patay

1 .Bawal magsuklay ng buhok sa lamay - Malas raw.

 Ito lang ang nakuha ko na paliwanag. Paano pag mukha ka ng bruha? Baka ang mga  nakikiramay na nag matakot sayo. :-)

2. Bawal maligo sa bahay kung nasaan ang lamay -  Malas raw.

Ito na naman ang dahilan .. Subalit ng ako ay magsaliksilk sa tulong ng  aking kaibingang si google, baka raw ang dahilan ay dahil puyat ang mga tao sa pagbabantay sa patay. Bawal maligo dahil puyat, baka sila magkasakit at sumunod na mamatay.

3. Bawal magwalis  - Dahil itinataboy mo raw ang kaluluwa ng namatay at isinasama mo sa kanya ang kaluluwa ng kanyang mahal sa buhay.

Paano kung masyado ng marumi ang inyong bakuran? Bawal pa rin?

Makwento ko lang...Nagwalis ng bahay namin ang aking pinsan ng namatay ang aking ama at buhay pa naman kaming lahat kahit mahigit sampung taon na ang nakakaraan.

Lazada Philippines 4. Bawal matuluan ng luha ang patay at ang kabaong - Para raw hindi mahirapan ang namatay sa kanyang paglalakbay sa kabilang buhay.

Pinagalitan ako ng tiyahin ko nuong bata pa ako ng dahil dito. Bawal daw. Pero hindi naman niya ipinaliwanag kung bakit. Kaya kapag may patay dapat lagi ka may panyo para sigurado na sa panyo mo lang mapupunta ang luha mo.

5. Maglagay ng sisiw sa kabaong kapag ang yumao ay namatay sa krimen -  Para raw makunsenya ang mga ay sala. Hindi sila patatahimikin ng huni ng mga sisiw.

Siguro kung totoo ito eh sana marami ng sumuko na kriminal. (O baka naman sanay na ang kriminal sa huni ng sisiw :-) kaya hindi na sila nababagabag at nabubulabog.

6. Dapat bantayan 24/7 ang patay . Bawal matulog ang bantay -  Dahil kapag natulog daw ang bangkay ay darating ang aswang at papalitan ng katawan ng saging ang bangkay. Hindi mo raw malalaman na napalitan ang bangkay sapagkat kamukha na ng bangkay ang puno ng saging na nakalagay sa ataul. Subalit kapag idinaan mo ang bangkay sa bintana (ilalabas ng bahay pero sa bintana idadaan) ay magbabagong anyo ito at magiging saging uli.

Hindi ko po ito kathang isip lamang. Dati kong kaopisina ang nagkwento nito sa akin.(ewan ko kung saan naman nya nakuha ang kwento)

7. Huwag mag uuwi ng pagkain galing sa patay -  Bawal daw.

Naisip ko lang, baka maraming nag te-take out kaya naisip nila na ipagbawal.. may dine-in na, may take out pa :-).

8. Dapat may rosaryo sa kamay ng namatay. Pinapatid ang rosaryo at inaalis sa bangkay bago ito ilibing -  Para raw maputol na ang kamatayan at wala ng sumunod sa pamilya kaya pinuputol ang rosaryo.

Ilang tao ang napagtanungan ko bago may nakapagsabi ng dahilan kung bakit dapat putulin ang rosaryo. Buti na lang alam ng taga punerarya ang sagot.

Pero tanong lang uli.. Di ba banal ang rosaryo para sa mga Katoliko? Bakit ito puputulin kung banal ito? Ano ang gagawin nila sa rosaryo pagkatapos?

9. Bawal magpasalamat ang namatayan sa mga nakikiramay -  Baka raw ang isipin ng ibang tao ay nagpapasalamat ka dahil may namatay sa inyo.

Hindi ko medyo maintindihan ang lohika nito. Kung ikaw ang nakikiramay, bakit mo naman iisipin na nagpapasalamat sila dahil namatay ang mahal nila sa buhay?

10. Bawal ihatid sa labas ang nakikiramay  -  Basta malas daw. Bawal. Period.

Paano kung madilim sa labas at gusto mo lang makasiguro na makakauwi sya ng ligtas?

11. Bawal mag suot ng pula. -  Ang pula ay kulay ng kasiyahan kaya bawal itong soutin habang nagluluksa.

Tama lang ito para sa akin. Dapat ipakita mo sa namatayan ang itong pakikiramay maging sa iyong kasuotan.

12. Bawal bumalik ang mga tao na nakalabas na ng bahay kapag nailabas na ang bangkay (sa bahay). Ibilin na lang sa mga nasa bahay pa ang bagay na naiwan. - Para raw wala ng sumunod na mamamatay sa pamilya.

Pero paano kapag importanteng bagay ang naiwan  at lahat ay nakalabas na sa bahay?

13. Bawal lumingon sa bahay na pinagburulan. -  Deretso lang ang tingin ng lahat. May susunod daw na mamamatay sa pamilya kapag may lumingon.

Hindi kaya sumakit ang leeg ng mga nakikiramay?

14. Dapat malinisang mabuti ang bahay na pinagburulan ng bangkay bago pa makauwi ang mga kamag anak na nakipag libing. - Para raw matanggal lahat ng malas at mga masamang enerhiya na naiwan.

Tama lang, dahil bawal magwalis habang may patay kaya dapat linisin agad ang bahay.

15. Bawal tumingin sa yumao ang buntis.. bago ito ilibing (ilagay sa hukay) - Baka daw maisama sa hukay ang bata na nasa sinapupunan.

Hmmmp.  sige na nga. Nakakatakot ito pag hindi sinunod.

16. Magpalipad ng puting lobo sa oras ng libing - Para raw maitaas rin sa langit ang ating mga kahilingan na makapaglakbay ng matiwasay ang ating yumaong mahal sa buhay at makating sya agad sa langit.

Bago ito para sa akin at iilang beses ko pa lang ito nakikita. Naisip ko, baka bagong pakulo ito ng burial plan management. :-)

17. Ihakbang sa ataul lahat ng mga bata - Para huwag daw managinip ng masama at huwag multuhin ng patay.

Pano kapag takot sa patay ang bata? Hindi kaya sila magka trauma?

18. Alisin lahat ng pardible na ginamit sa paglalagay ng pangalan. Iwan ito sa sementeryo. - Para raw malaya at hindi na nakakabit dito sa mundo ang namatay.

Naiuwi ko sa bahay ang lahat ng pardible ng namatay ang aking ama. Biglang nanlaki ang mata ng aking ina ng malaman ito at nagkaroon agad ng ritual sa loob ng aming tahanan. Bata pa ako nuon at hindi ko alam na bawal pala. akala ko souvenir namin. :-)

19. Bawal iuwi sa bahay ang mga pagkaing dinala para sa miryenda ng mga nakipag libing. - Malas daw.

Ang sabi eh pagkain, kaya iniuwi ang sobrang inumin :-).  Ipinatapon ng mga matatanda  ang inumin ng malaman nila ito bago pa maipasok muli sa bahay. Sayang.


20. Bawal dumiretso sa sariling bahay ang mga nakiramay - Para raw mailigaw ang mga multo na sumusunod.

Nasa Maynila na ako ng malaman ko ito dahil sa probinsya namin eh diretso uwi kami. Wala naman kaming nakita na sumunod na multo . :-).

21. Dapat maghanda ng maligamgan na tubig na may dahon ng bayabas na harapan ng bahay ng namatayan. Dito maghuhugas ng kamay ang mga tao na sumama sa libing. - Para raw matanggal ang mga malas.

Dalawang beses pa lang ako na nakakakita nito dahil hindi ito ginagawa sa aming probinsya kaya sa tingin ko, ilang lugar lang ang gumagawa nito.



Minsan natatawa na lang tayo sa mga pamahiing ito lalo na kung iisipin natin kung ano ang tunay na katuturan at kung ano ang saysay bakit natin ito ginagawa, pero sabi nga nila wala namang masama kung gagawin mo, basta ang mahalaga ay ligtas ang lahat.
Lazada Philippines

81 comments:

Unknown said...

pwede na po ba maggupit ng kuko kung nailibing na yung kamag-anak?


Unknown said...

Pano po ung iba nakit mo sa kabaong at hindi yung namatay?

Unknown said...

Buntis po ako and ung lola po kse nmin patay, hindi po ako dumungaw mismo ky lola pero pinicture nung asawa ko at dun ko lng po nkita. Msama prin po b un pra s buntis?

Unknown said...

paano po kung mlayo na kmi sa bahay, tas napalingon ako sa burol kc wala n kming ksabay sa paglalakad palay. kc inaantay nila yung kabaong lumabas ng bahay! masma b rin b yun!

Unknown said...

paano po kung mlayo na kmi sa bahay, tas napalingon ako sa burol kc wala n kming ksabay sa paglalakad palay. kc inaantay nila yung kabaong lumabas ng bahay! masma b rin b yun!

Unknown said...

Pwede ba mag gantsilyo pag may patay

Unknown said...

Paano po Kc ung bahai nmin NASA gitna ung simbahan ppuntang north tpos ung sementeryo ppuntang south ok lng ba daanan ulit nmin a bahai nmin?

Unknown said...

Pano po pag sumilip kami sa patay kasama baby ko 2months? Masama po bayon?

Anonymous said...

Ewan ko

jhelly said...

masama po ba na pumunta ang may birthday sa lamay?

Unknown said...

tita ko po kasi patay tas buntis ako at sa bhay nmin binurol.. nligo ako at ang pinsan ko mismo na anak mismo ng namatay naligo din sa bahay.. hindi ko naman po alam ang pamahiin

Unknown said...

Pano po pa bumisita kmi sa morgue pero hnd pa naimbalsamo ang patay tapos dretsong umuwi ng bahay bawal ba yon

Unknown said...

Bawal din ba mag linis ng cr?..kase nilinisan ko ung cr kase sobrang dumi nman na nkakahiya sa mga taong gagamit..pinag sbhan ako bawal daw mag linis

Anonymous said...

Bawal ba bang gitin ang pangalan ng patay kapag nasa lamay ka?
Halimbawa:
Aksidente ko nabanggit pangalan nya tapos sinabi ko nagsama kami noon..

BABANGON daw ang PATAY
at saka sasabihin na ikaw daw ang ipapalit sa kanya na namatay..

Anonymous said...

Yes po

Anonymous said...

kung totoo yan lahat sana malas na malas ako ngayon. Kaso hinde, eh. :)))

Unknown said...

Ano nagyari sa baby mo? Kasi kanina sinama ko daughter ko sa libing ng kakilala namin 4 yrs ofanak ko sumilip pa tlaga anak ko sa kabaon sa simbahan

Unknown said...

Bawal ba ang magpagupit ng buhok kapag namatayan???

Unknown said...

Bawal ba ang magpagupit ng buhok kapag namatayan???

Unknown said...

Hnd po totoo un.

Unknown said...

Pwede naman daw maglinis pero hindi dapat kamag anak nung namatay

Anonymous said...

tang ina nyo wag anong wala masama kung paniwalaan at sundin ang pamahiin?! mga gago napaka laki ng nawawala sa inyo kapag naniwala at sumunod kayo dyan... parang ineetsapwera nyo ang Bible at mas naniniwala pa kayo dyan sa pamahiin, Galacia 5:19-21 hindi kayo magmamana ng Kaharian ng Dios...

Doyle said...

LAHAT NG PAMAHIIN KALOKOHAN YAN ANO YAN SA PINAS LANG BAWAL SA IBANG BANSA PWEDE NA ANO BA YAN WAG MAGPAPANIWALA KASI SA PAMAHIIN

Unknown said...

Totoo po bang bawal maligo pag tapos ng libing naligo po kasi ung 2 anak ko diko naman alam tapos na nung sinabe ni mama ko reply asap po

Anonymous said...

Pwede poba naghatid ng libing tas bumisita pagktapos sa namaraya na pamilya?

Unknown said...

nung patay nga yong lolo ko last 2007 dito lang din kami sa bahay naligo wala kase kaming ibang bahay na pedeng liguan.. pero wala namang nanyari.. hanggang ngayon buhay pa kaming lahat.. nung buntis ako sa panganay ko 7months namatay byenan kong lalake.. pero sumisilip ako sa kabaong.. pero wala namang nangyari sakin.. di naman ako nahirapan manganak... di naman sa di ako naniniwala.. pero minsan masyadong OA ang mga pamahiin.. halimbawa pala.. buntis ka.. tas asawa mo mismo ang namatay.. ano yon? bawal mo syang tingnan? eh yun nalang yung mga araw na makakasama mo sya.. tpos di mo pa pala pedeng tingnan..tsk..

Unknown said...

Bakit po bawal mag habul sa libing ng patay pag na late ka?

rash1 Tv said...

Ma'am / sir pwedi ko po bang gamitin to para sa gagawin ko pong content. Hihingi po sana ako nang pahintulot ma'am/ sir kunh hindi nyo po mamasamain .
Advance thank you po 😊

Unknown said...

Ano pong dapat gawin (pangkontra) kapag nalabag ko ung mga pamahiin. Bumusita po kasi ako sa lamay at sa libing at hinatid ako ng kamaganak ng namatayan.

Anonymous said...

Baka nagkamali po kayo ng pinuntahang lamay

Anonymous said...

Ano bang bawal kapag tapos ng libing? Bawal ba gumala?

Anonymous said...

Walang masama kung susundin ang pamahiin dhil wla nmang mawawala. Ang mga ito ay pawang pag iingat lng. Sa amin sinusunod nmin ang mga ito pero minsan may nkakalimutan kmi pero wla nmang nangyayari. Nsa atin pong mga sarili kung maniniwala tyo o hindi at bilang respeto n rin sa mga lugar n naniniwala sa mga pamahiin. Kya kung kyo ay bisista sa ibang lugar mas magandang sumunod sa knilang mga payo.
Mga halimbawa:
Bawal may mabasag o mahulog habang may burol gya ng mga baso, kutsara dhil malas daw po yun at magpapakatay ng buong baboy.
Bawal maglaba at maglinis s bhay n nkaburulan ng patay dhil nanganagahulugan daw yun na pinapaalis muna ang patay. Maaring maglinis sa bakuran pero sa pamamaraan n pupulutin mo lng ang mga kalat hindi wawalisin.
Bawal dumalaw sa patay ang mga namatayan kapag wla pang isang taon.Maaring pumunta sa lamay pero bawal kang pumasok sa loob ng lamay hanggang labas lng.



Jinilin said...

Bawal po ba pag yung nagpadala sayo ng pera ay namatayan at sariling araw pa mismo ng libing nagpadala ng pera? Please pakisagot po sa makakabasa.

Anonymous said...

Paano po pag naligo tapos Hindi namin alam na bawal pala yun?

Unknown said...

Ilan baloons po dapat pakawalan sa libing?

Unknown said...

Ilan baloons po ang dapat pakawalan sa libing

Anonymous said...

baka kasi kakamadali mo madisgrasya kapa ikaw ang sumunod

Anonymous said...

ihatid mo din sya pabalik maghatiran kau hnggang malibing

Anonymous said...

bawal galawin yung puntod kaka semento lang

Anonymous said...

Hindi naman sa bawal pero konting hiya naman namatayan na umaasa ka parin sa padala maraming gastusin yun tas gusto mo padalan ka parin sa mismong libing pa. konting hiya lang

Anonymous said...

Ok lang yun atleast fresh ka pag minalas ka

Anonymous said...

Kung ilan ang nakiramay mula 1st until last night

Anonymous said...

Kahit dipa naililibing pwede mag gupit nakakahiya naman kung makikipaglibing kang dugyot

Anonymous said...

Ang masama pag nakikita mo parin yung bahay kahit dika lumingon

Anonymous said...

Magsugal nga pwede bisyo pa yun ah

Anonymous said...

Masama. Tas may iba kapa kasama dun mo pakakainin ng libre konting hiya naman wala kaba pang handa

Anonymous said...

Kung inuwi nyo din yung patay yun ang bawal

Anonymous said...

Ang bawal banggitin sa lamay ay yung "Wala bang sopas?" kasi tlgang magti2nginan sila sau dapat last night ka nagpunta

Anonymous said...

bawal baka dika makilala ng patay at palabasin ka

Anonymous said...

Sanay lang talagang hindi maligo si mama mo humahanap lang ng karamay

nics said...

pwede po bang mag gansilyo/crochet habang nag babantay sa patay?

Anonymous said...

yung mga pangalan po ba na nakadikit sa kabaong tatanggalin bago ilibing?..seryoso po ako ah

Anonymous said...

Ako po namatay ang aking Ina tatlong araw na ako hndi naliligo,pwd ba maligo pag lamay,

Anonymous said...

Bawal ba magsabi na makilipaglibing pero hindi ka naman natuloy?

Anonymous said...

Pwede naman basta wag lang yarn tyaka hook gamit

Anonymous said...

Pag may regla po ba bawal rin magpunta ng lamay?

Anonymous said...

Kumusta? Wala naman po bang masamang nangyari?

Anonymous said...

HAHAHA

Anonymous said...

HAHAHH

Anonymous said...

baka ibang bangkay yung nailagay

Anonymous said...

Isa ako sa nag aasikaso sa lamay nb kapatid ko, malas po ba ang malagyan ng buhok kahit isang hibla lang doon sa loob ng kabaong? . .. wala bang masamang mangyayare?

Anonymous said...

Masama po bang sumama sa pakikipaglibing ang hindi pa nakakapag 40 days

Anonymous said...

Na sama ko sa pag uwi Yung Isang tinapay bawal daw mag uwi Ng galing sa lamay

Anonymous said...

Paano po pag naka braces ka ng red? bawal po ba yon ?

Anonymous said...

300 para iloveyou300

Anonymous said...

mamamatay daw yung ngipin mo

Anonymous said...

sabihin mo nalang sakanila na nagutom ma ulit

Anonymous said...

ang masama pag nauna kayo nilibing kesa sa kabaong

Anonymous said...

Parang nagtataguan at naghahabulan lang sino taya.

Anonymous said...

Mag pahid ka ng alikabok ng dumumi k uli

Anonymous said...

Pakyawin mo na! Sana all

Anonymous said...

Pakyawin mo na

Anonymous said...

Mag face mask k ...ng wala makapuna

Anonymous said...

nung namatay yung tito ko noon, bata pa non ako mga 7 years old, i guess (2012 ata). naliligo pa non kami sa bahay kung saan ang burol, wala naman akong nakitsng masamang nangyari

Anonymous said...

Hahaha

Anonymous said...

Hahaha ang dami Kung tawa dito banda

Anonymous said...

Bawal dumalaw sa patay ang mga namatayan kapag wla pang isang taon.Maaring pumunta sa lamay pero bawal kang pumasok sa loob ng lamay ... - totoo po ba ito?

Anonymous said...

Naalala ko pagkamatay ng tatay,mga kamag anak ko nagdala ng pagkain at mga bigas pauwi,yun naaksidente Yung sasakyan Nila.lahat sila tumalsik buti mga minor Nala natamo Nila lahat.

Anonymous said...

ala naman pong nakakahiya kung di ka pa nakakapag gupit ng kuko, pwede nyo naman linisin diba so di yon dugyot

Anonymous said...

be mindful na lang ho sa word na dugyot lalo na't di po nakakahiyang di pa nakakapag gupit ng kuko + pede nyo naman linisin mga kuko nyo

Anonymous said...

Pwede po ba bumisita sa kamag anak ko na puntod habang nakikipaglibing ako sa ibang tao?