Lazada Philippines

Sunday, January 25, 2015

Misery or Offering?

We will always experience sufferings in our life...but it is up to us to feel miserable or treat our sufferings as an offering - Fr Joey Tuazon


Sometimes (or many times) in our life, we experience pain, difficulties, suffering or any other word that you want to put it. It is inevitable because we are human. There will always be circumstances that we sometimes feel that is very hard for us to bear.

When we are put in this situation, we must always check our selves and seek out what the Lord wanted us to know. Why are we suffering? What is the cause of our suffering? What can we learn from this suffering?


After we understand Gods will and wisdom came to us, we will know that sometimes we have to be in that situation so that we can become what the Lord planned us to be.

The description of suffering also depends on the people who are experiencing it. For example.. For a child who is just starting to go to school, studying is suffering.He have to wake up everyday and go to school, make assignments, review for test etc... although the child experience difficulties, he did not feel that his life is miserable because he knows that he is studying and he needs to study that to prepare for his future. Studying is his offering to have a more fruitful life when the day comes.

Tuesday, January 20, 2015

Paano Alisin Ang Tinik ng Isda sa Lalamunan

Maraming klase ng isda ang ating inihahain sa ating mesa. Merong maraming tinik kagaya ng Tamban at ng Bangus.

Sa mga taong mahilig kumain ng isda, paminsan-minsan ay hindi natin maiiwasan na tayo ay matinik kahit anong ingat ang ating gawin at ngayong araw na ito ang bibihirang pagkakataon na ako at natinik ng isda. Hindi tamban o Bangus ang tumarak na tinik sa aking lalamunan kundi tinik ng maya-maya (buti na lang hindi malaki ang maya-maya ha ha ha).

Dahil sa sakit na aking naranasan ay pinilit ko na ilabas ito sa aking lalamunan kasabay ng aking mga kinain. (Ayon sa nabasa ko, hindi raw ito nararapat gawin sapagkat baka ma iritate daw ang lalamunan kaya hindi ko ipinapayo na ako ay inyong gayahin.). May nakita naman ako na lumabas na tinik ng isda subalit nananatili pa rin sa aking lalamunan ang pakiramdam na may tumutusok habang ako ay lumulunok.

Sinabi ko ito sa aking nanay at ito ang kanyang ipinayo.

1) Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Lunukin agad para mapasama ang tinik na nasa lalaumunan.

2) Kumuha ng kanin at ihulma ito ng pabilog pagkatapos ay lunukin upang pagdaan ng kanin sa lalamunan ay mapasama na dito ang tinik ng isda.

At ito naman ang ipinayo sa akin ng aking kapitbahay na medyo weird :-). Narinig ko na ito dati pa sa mga oldies pero ngayon ko lang nalaman na hanggang ngayon ay may nainiwala pa.

3) Humanap ng tao na ipinanganak na suhi at ipamasahe ang iyong lalamunan.
4) Kumuha ng pusa at ipakamot dito ang iyong lalamunan.


Kumunsulta rin ako sa aking friend na si Google at iyo naman ang karagdagan sa listahan na dapat gawin kapag natinik ka ng isda.

5) Kumain ng tinapay na malambot (kagaya ng sliced bread) pero pisain muna ito upang maging mas solid bago lunukin.

6) Kumain ng marshmallow


Kung lahat ng ito ay hindi maging umepekto at umabot na ng ilang araw, maipapayo ko na pumunta na sa doktor upang sila na ang magtanggal ng tinik sa inyong lalamunan