Official na talaga, HOLD (Handmaids of the Lord) member na talaga ako coz nag attend na ako ng HOLD ICON.
This is my first conference as a HOLD member at natutuwa naman ako dahil parang SFC lang din. Ang kaibahan nga lang eh medyo "tanders" na ang kasama ko he he he.
Maraming tao (especially SFC members) ang medyo iba ang tingin sa HOLD dahil boring daw ito kase nga medyo nga may edad na ang mga member.
Oo, mas ay edad nga sila sa akin pero hindi naman ako nahirapang makibagay sa kanila at sa tingin ko eh ganun din ang aking mga kasama kaya minsan eh nangingiti na lang ako pag may nagsabi sa akin na napakabata ko pa para maging HOLD.
Napakabata? Parang hindi naman ha ha ha ha. (young looking kase ako. Tarushh :-))
Mabalik tayo sa aking kwento...
Last Oct. 25, 2014 eh nag attend na nga ako ng first ever conference as HOLD member and isa sa mga topic for that event is "Behold and Ponder".
Sabi ng ng speaker, trough meditation we learn to "behold God" which primary means spending time with Him.
Ang pinaka importate if we want to spend time with our Lord through meditation are the following.
1. Relax - Relaks lang mga kapatid. Alisin ang discomfort at tension na iyong nararamdaman. Wag kang concious sa paligid mo,
2. Establish a sense of inner peace and tranquility - sabi nga ng pelikula na "Frozen" eh 'let it go". Wag ka ng mag isip ng kung ano-ano. Basta ialay mo na lang lahat kay Lord at sya na ang bahala.
3. Tune in - parang radyo lang. Para mo mapakinggan syempre ang radyo ay kailangan mo muna itong buksan at hanapin ang istasyon na gusto mo. Ganun din dito. I open mo ang heart mo kay Lord, hanapin mo at pakinggan ang kanyang presensya then i-hook mo na ang sarili mo.. which means surrendering your self to Him.
4. Listen - Chill ka lang at pakinggan ang sinasabi ng iyong isip, ng iyong puso
Ang next eh yung Ponder.
"Ponder means cosidering carefully , weigh mentally , deliberate on the facts and reflect on what God reveals to us in the Scriptures or through what is happening in our live or around us"
Mabigat ba?
Tama ka, mabigat nga kase kapag nakinig tayo ng salita ng Diyos eh maihahantulad natin ito sa pagkain.. Hindi lamang dapat nating kainin ito at lunukin kundi dapat nating nguyain na mabuti at namnamin upang ating makuha ang mga sustansya na nakapaloob dito at atin ding maranasan at ma enjoy ang lasa ng ating kinakain.
In other words. Pag binabasa natin ang salita ng Diyos eh hindi lamang sapat na basahin natin ito kundi dapat natin itong namnamin at pagnilayang mabuti.