Tuesday, December 23, 2014

The 4 Types of Giver



Tuwing pasko, isini celebrate natin ang pagsilang ng ating panginoong Hesukristo na ating manunubos. At bago sumapit ang December 25, marami tayong mga ginagawang paghahanda.
Nagsisimba tayo sa "misa de Gallo" sa loob ng 9 na araw, bumibili ng mga panregalo sa ating mga inaanak at sa mga mahal sa buhay at namimili rin ng panghanda para sa pagsapit ng araw ng kapaskuhan.

Sa panahon ring ito, maraming tao ang nagigiging giver, yung tipong nagiging mapagbigay  sa mga less fortunate people kase Christmas naman. (Kahit di naman nila dati ginagawa)

Pero iba-iba ang uri ng tao at iba -iba rin ang kanilang dahilan at uri ng pagbibigay.

1. Cheerful giver. Giving with a cheerful heart - ito ang tao na masaya ang feeling kapag nakakapagbigay. Hindi nila iniisip if masusuklian sila ng tao na kanilang pinagbigyan. Give lang sila ng give habang kaya pa nila magbigay. Sila ang tipo ng tao na di ma kwenta. Ung tipo na masaya na once na makita nila na may napapasaya sila.

2. Makwentang giver - Nagbibigay nga pero maraming sinasabi bago magbigay. Sila ung tipo ng tao na kapag nilapitan mo eh ang damin munang sasabihin. Sesermonan ka muna bago ka nila bigyan. Ung tipong sinaktan nila muna ang iyong damdamin at minsan ay inaalipusta pa ang iyong pagkatao bago nila ibigay ang hinihingi mo. Sila ung uri ng tao na ayaw mo sanang lapitan if may iba ka pang option pero sabi nga pag wala ka na talagang malalapitan at sila na lang ang makakatulong sa iyo eh lulunukin mo na talaga ang pride mo at lalapitan mo na sila.

3. Giving because takot sa karma -  Ayaw nila talagang magbigay pero natatakot lang sila sa karma kaya nila pinagbibigyan ang mga humihingi sa kanila . Ang paniniwala nila ay  babalik  ang mga ginagawa ng bawat tao kaya dapat ay magbigay sila para maging maayos ang buhay nila at para pag time na na sila naman ang nangailangan ay may mga tao rin na tutulong sa kanila,

4. Ang rate giver. Nagbibigay pero nira-rate muna ang pagkatao ng bibigyan. Bago sila magbigay ay iniisip muna nila if ano na ba ang naitulong sa kanila para papantayan nila ito. Sila rin ung mga tao na iba-iba ang pakikitungo at naayon ito sa estado ng buhay. Halimbawa, pag poor ang reregaluhan eh cheap lang ang ibibigay na gift , pag rich naman eh syempre mamahalin rin to the point na gusto nya ma impress ang rich na bibigyan.


Ngayong kapaskuhan ang nararapat na paraan ng pagbibigay is to give with a cheerful heart..  sabi nga ni Father Joey Tuazon sa kanyang sermon. When you give in a cheerful heart, then your gift will become sacred.




Hire Me Direct

No comments: