Sunday, August 09, 2015

My Experience Riding in the PNR Train





Matagal na akong hindi sumasakay sa PNR. Hindi ko a matandaan kung kelan pero that time ay may nagtatapon pa ng tubig sa mga nakasakay sa tren. Isa ang kasama ko sa tinamaan ng tubig at nabasa kaya tumatak ito sa isip ko.. buti na lang hindi mabaho (inamoy ko kaya ko alam he he ).

Throwback...

Galing kami sa mga opisina that time. Pupunta kami sa Bicutan Rehab coz nag volunteer kami as service team para sa Christian Life Program na gagawin ng community namin para sa mga pasyente. Male-late kami kung mag bu-bus dahil ma-trafic kaya we decided na sumakay sa PNR kahit alam namin na rush hour.. Okay naman sa amin kahit siksikan, keri naman at walang maarte at mareklamo sa amin, yun nga lang, hindi namin expected na ma experience namin ang mahagisan ng tubig .Anyways, after that experience, hindi na kami ulit sumakay sa tren. Nakikisakay na lang kami sa mga kasamahan namin na may sasakyan. Yun nga lang, need ko na mag undertime coz mas maaga nagbya-byahe ang sinasabayan ko.

Now...

Then, last August 4, 2015, kailangan ko uling pumunta sa Bicutan para i meet ang classmate ko upang pag-usapan ang project namin, at PNR ang itinuro nya sa akin na pwedeng sakyan na mas convenient.

Tama nga sya, convenient ang pagsakay. Hindi kase rush hour kaya na feel ko pa ang aircon at nakaupo pa ako sa byahe.

Then nung pauwi na ako, nangyari na nga ang aksidente.. Natapilok ako pagbaba ko sa footbridge sa may Bicutan PNR station. Hindi kase pantay ang kalsada at bukod dun, may mga nagkalat din na bato. Gumulong ang bato na natapakan ko kaya natapilok at bumagsak ako... as in bagsak, kasama ang mukha. ha ha ha.

Nakabangon naman ako agad pero may mga tao pa rin na nakapansin sa akin. Super sakit din ng ankle ko kaya napakapit ako sa rail ng footbridge habang nakangiwi.. kaya ng mapansin ko na nakaka attract na ako ng attention eh tinakpan ko na lang ng payong ang mukha ko para di nila ako makilala. ha ha ha.

Anyways, nakita rin ako ng mga tauhan ng PNR at pinuntahan agad ako para tulungan. Binigyan nila ako ng first aid coz dumudugo rin ang part ng mukha ko na may sugat. Naglabas din sila ng bote para ipagulong ko ang aking talampakan upang maging maayos ang aking pilay.

Dito ako natapilok

Ang paa ko habang pinapagulong sa bote

Guard sa PNR Station na tumulong sa akin

Me at ang PNR employee na unang nakakita sa akin at tumawag sa guard para malalayan nila ako papunta sa may pwesto nila




Sa ngayon, okay na naman ang paa ko, medyo may kunting kirot lang kaya nilagyan ko ng benda.

Ano naman ang natutunan ko sa experience na ito?

1. Sa buhay natin,  dumarating ang pagkakataon na madadapa ka, pero may mga tao pa rin na tutulong sa iyo. 

2. Hindi masama ang tumanggap ng tulong, lalo na kung taos sa puso ng nagbibigay. (independent kase ako kaya normally eh hindi ako humihingi ng tulong lalo na pag kaya ko naman) 

3. Maging mapamasid sa paligid at mag ingat. Huwag maging kampante sa iyong mga nakikita, ituon din ang mga mata sa maliit na bagay na pwedeng magkaroon ng malaking impact kapag hindi napagtuunan ng pansin.

 4. Tangapin ng maluwag sa dibdib ang mgapangyayari na wala kang kontrol and be thankful sa  mga blessing na dumarating.

How about you? Naranasan mo na bagn matapilok or madulas at maraming nakakita sa iyo?



No comments: