Lazada Philippines

Saturday, November 07, 2015

Saan Napupunta Ang Pera


Now is the thirty-second Sunday in Ordinary Time sa Church and the Gospel for today is from Mark 12:38-44 which is tungkol sa isang balo na nagbigay ng barya sa simbahan, subalit para kay Hesus, sya ang nagbigay ng pinakamarami sapagkat ang ibinigay nya ay ang kanyang buong kabuhayan hindi katulad ng mga mayayaman na ang ibinigay lamang ay ang labis sa kanilang kayamanan.

Naka 2 misa ako today coz walang choir sa chapel kung saan kami nagpra-praktis every Friday ng kanta para sa misa. Nagkataon na si Father Almer Panes ang Pari na nag misa for both kaya tumatak sa akin ang kwento nya ...

Nag usap-usap ang mga pera at kanilang napag kwentuhan if saan sila usually napupunta.

Coins: Alam nyo, madalas kaming napupunta sa simbahan. Inilalagay kami normally sa alkansya at iniaalay sa misa sa 4th Sunday of the month.

P 20 at P 50: Kami rin, madalas din kami napupunta sa simbahan. Kami ang normal na inilalagay sa boslo pagdating ng offering.

P 100: Buti nga kayo, madalas napupunta sa simbahan. Ako eh madalas napupunta sa palengke. Ako ang ipinambibili ng mga tao ng lulutuin nila na  pagkain.

P 200: Maswerte kayo kesa sa akin, Kayong barya, P 20 at P50.. madalas kayo sa church at ikaw naman P 100, at least nakakapagbigay lakas ka sa katawan ng mga tao.. ako eh madalas sa binyagan lang lumalabas. Inilalagay ako sa sobre para ibigay sa inaanak.

P 500: Mas maswerte pa rin kayo sa akin. Ako  eh madalas lang ginagamit pag ang mga tao ay pupunta sa mall or sa casino. 
P 1,000: Lahat kayo at mas maswerte kesa sa akin kase ako ang pinaka bihirang gamitin ng tao. Madalas lamang akong nasa pitaka at ako rin ang ipinapasok sa bangko.
------
Kagaya sa kwento, ang madalas na ibinibigay ng tao is ung excess lang nila which is the barya. 
Hindi naman sinasabi ng Diyos na kagaya ng babaeng balo, ibigay din natin lahat. What He is asking lang is to give kung ano ang nararapat - kung ano ang maibibigay natin na maluwag sa ating kalooban.

Friday, November 06, 2015

What is my WHY?


Last November 6, 2015, I attended the 1st ICF International Coaching Summit held at Marriot Hotel in Pasay.

Mahilig akong umattend ng event kase marami akong natutunan. This year nga ilang local at International events held in the Philippines na ang ang aking na-attendan pero sa lahat, itong ICF coaching summit ang pinaka tumatak sa akin. Why? Kase hindi lang nito na feed ang aking mind, na touch din nito ang aking heart.

Ang pinaka bet ko is the last talk with the topic "Transformational Skills for Changing Time ni Eileen McDarg specially ng sabihin nya ang mga katagang "If you lost your WHY, you lost your way"

Ng banggitin nya ito, bigla akong napaisip... Why... what is my reason nga ba to live? Parang patalastas lang ng nescape ...Para kanino ako bumabangon?

Ang nakaraan...
Dati, bumabangon ako para sa pamilya ko...Namatay kase ng maaga ang dad ko at ako ang panganay kaya need ko na tumulong coz nag aaral pa ang aking mga kapatid. Teacher ang nanay ko at alam nyo naman na maliit lang ang sweldo ng teacher kaya hind nya kakayanin lahat ng gastos. (Ang nanay ko ang nagbabayad ng tuition fee, ang brother ko na may work na rin ang nagbibigay ng allowance sa iba ko pang kapatid na nag aaal at ako naman ang sagot sa food at house at minsan sa extra school expenses).

Dumaan ang mga araw, isa-isa ng nakatapos ang mga kapatid ko at nakatulong na rin sila sa ibang mga gastusin kaya medjo nakakaluwag-luwag na ako. (Dati kase kahit bigas at ulam eh i'm using pa my credit card coz di kasya ang kakarampot ko na sweldo. Natuto rin akong mag sangla coz nahihiya na akong mangutang ng pera sa mga friends ko at cousin pag end of month dahil wala na akong pera kahit sa pamasahe).

Two years ago...
Then 2 years ago matatapos na sa pag aaral ang pinaka bunso ko na kapatid kaya naisip ko na it's time naman na sarili ko ang asikasuhin ko.

Ang ginawa ko? Nag resign ako sa work (16 years na ako sa work at that time) kase hindi na ako masyadong happy at parang hindi na ako nag gro-grow....I also wanted to know what is still in store for me at ayaw ko rin na pag tanda ko eh magtanong ako ng "what if " sa sarili ko. Tutal, wala na naman ako responsibilidad kundi ang sarili ko kaya go... I filed my resignation.

May mga friends ako na freelancer and I want to check it coz it seems that they are happy. They set their own schedule and they are earning bigger than normal employees.

Fast forward....
So eto na ako ngayon.. freelancer na at may client na rin sa abroad at dito sa Pilipinas.. Pero nitong mga nakaraang araw medjo low na naman ang feeling ko (nakaramdam din ako ng ganito last year) ...depress- depressan na naman ang peg.

Then sa ICF summit, dun ko na realize why... Kase dati bumabangon ako para sa pamilya ko pero ngayon, para saaan? Single ako, walang boyfriend, walang pet, as in walang responsibilidad kundi ang sarili ko. (Kasama ko sa bahay ang pamangkin pero college na sya at kaya na nya sarili nya).

After that realization at  pagmumuni-muni na ginawa ko.. I am now stating my new WHY... Babagon ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko...pero iba na ang rason.

Babangon ako hindi dahil kailangan nila ako kundi para maging better person ako to make them proud. Sabi nga ni Boy Abunda "make your nanay proud".

Ikaw? What is your WHY? Care to share?