Skip to main content

What is my WHY?


Last November 6, 2015, I attended the 1st ICF International Coaching Summit held at Marriot Hotel in Pasay.

Mahilig akong umattend ng event kase marami akong natutunan. This year nga ilang local at International events held in the Philippines na ang ang aking na-attendan pero sa lahat, itong ICF coaching summit ang pinaka tumatak sa akin. Why? Kase hindi lang nito na feed ang aking mind, na touch din nito ang aking heart.

Ang pinaka bet ko is the last talk with the topic "Transformational Skills for Changing Time ni Eileen McDarg specially ng sabihin nya ang mga katagang "If you lost your WHY, you lost your way"

Ng banggitin nya ito, bigla akong napaisip... Why... what is my reason nga ba to live? Parang patalastas lang ng nescape ...Para kanino ako bumabangon?

Ang nakaraan...
Dati, bumabangon ako para sa pamilya ko...Namatay kase ng maaga ang dad ko at ako ang panganay kaya need ko na tumulong coz nag aaral pa ang aking mga kapatid. Teacher ang nanay ko at alam nyo naman na maliit lang ang sweldo ng teacher kaya hind nya kakayanin lahat ng gastos. (Ang nanay ko ang nagbabayad ng tuition fee, ang brother ko na may work na rin ang nagbibigay ng allowance sa iba ko pang kapatid na nag aaal at ako naman ang sagot sa food at house at minsan sa extra school expenses).

Dumaan ang mga araw, isa-isa ng nakatapos ang mga kapatid ko at nakatulong na rin sila sa ibang mga gastusin kaya medjo nakakaluwag-luwag na ako. (Dati kase kahit bigas at ulam eh i'm using pa my credit card coz di kasya ang kakarampot ko na sweldo. Natuto rin akong mag sangla coz nahihiya na akong mangutang ng pera sa mga friends ko at cousin pag end of month dahil wala na akong pera kahit sa pamasahe).

Two years ago...
Then 2 years ago matatapos na sa pag aaral ang pinaka bunso ko na kapatid kaya naisip ko na it's time naman na sarili ko ang asikasuhin ko.

Ang ginawa ko? Nag resign ako sa work (16 years na ako sa work at that time) kase hindi na ako masyadong happy at parang hindi na ako nag gro-grow....I also wanted to know what is still in store for me at ayaw ko rin na pag tanda ko eh magtanong ako ng "what if " sa sarili ko. Tutal, wala na naman ako responsibilidad kundi ang sarili ko kaya go... I filed my resignation.

May mga friends ako na freelancer and I want to check it coz it seems that they are happy. They set their own schedule and they are earning bigger than normal employees.

Fast forward....
So eto na ako ngayon.. freelancer na at may client na rin sa abroad at dito sa Pilipinas.. Pero nitong mga nakaraang araw medjo low na naman ang feeling ko (nakaramdam din ako ng ganito last year) ...depress- depressan na naman ang peg.

Then sa ICF summit, dun ko na realize why... Kase dati bumabangon ako para sa pamilya ko pero ngayon, para saaan? Single ako, walang boyfriend, walang pet, as in walang responsibilidad kundi ang sarili ko. (Kasama ko sa bahay ang pamangkin pero college na sya at kaya na nya sarili nya).

After that realization at  pagmumuni-muni na ginawa ko.. I am now stating my new WHY... Babagon ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko...pero iba na ang rason.

Babangon ako hindi dahil kailangan nila ako kundi para maging better person ako to make them proud. Sabi nga ni Boy Abunda "make your nanay proud".

Ikaw? What is your WHY? Care to share?





Comments

Popular posts from this blog

Mga Pamahiin sa Lamay at Libing

Maraming matatandang pamahiin na hanggang ngayon ay namamayani pa rin at isa na rito ay ang mga pamahiin tungkol sa patay. Ilang araw pa lang ang nakararaan ng umuwi ako sa aming probinsya upang makiramay sa aking kaibigan na nawalan ng kanyang mahal sa buhay, at aking na obserbahan pa rin ang mga pamahiing ito. Alam ko naman na walang masama sa pamahiin subalit ang nakakapagtataka lang (at medyo nakakatawa) ay kung bakit hindi nila maipaliwanag kung bakit ito dapat gawin at sundin. Ito ang mga listahan nga mga pamahiin na aking napag ukulan ng pansin mula pa sa aking pagkabata.(Ang iba po dito ay hindi ko na obserbahan mga sa huling lamay na aking napuntahan subalit itulot nyo na ito ay maisama ko sa aking pagbabahagi.) Pamahiin Kapag May Patay 1 .Bawal magsuklay ng buhok sa lamay - Malas raw.  Ito lang ang nakuha ko na paliwanag. Paano pag mukha ka ng bruha? Baka ang mga  nakikiramay na nag matakot sayo. :-) 2. Bawal maligo sa bahay kung nasaan ang lamay - ...

Paano Alisin Ang Tinik ng Isda sa Lalamunan

Maraming klase ng isda ang ating inihahain sa ating mesa. Merong maraming tinik kagaya ng Tamban at ng Bangus. Sa mga taong mahilig kumain ng isda, paminsan-minsan ay hindi natin maiiwasan na tayo ay matinik kahit anong ingat ang ating gawin at ngayong araw na ito ang bibihirang pagkakataon na ako at natinik ng isda. Hindi tamban o Bangus ang tumarak na tinik sa aking lalamunan kundi tinik ng maya-maya (buti na lang hindi malaki ang maya-maya ha ha ha). Dahil sa sakit na aking naranasan ay pinilit ko na ilabas ito sa aking lalamunan kasabay ng aking mga kinain. (Ayon sa nabasa ko, hindi raw ito nararapat gawin sapagkat baka ma iritate daw ang lalamunan kaya hindi ko ipinapayo na ako ay inyong gayahin.). May nakita naman ako na lumabas na tinik ng isda subalit nananatili pa rin sa aking lalamunan ang pakiramdam na may tumutusok habang ako ay lumulunok. Sinabi ko ito sa aking nanay at ito ang kanyang ipinayo. 1) Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Lunukin agad para mapasama ...

Discovering the "Parentified Daughter" Within Me

 During my recent trip to Sagada from January 3-5, 2025, I had the privilege of meeting an amazing psychologist who shared an insightful perspective on my life. What started as a casual encounter turned into an impromptu consultation that left a profound impact on me. She recommended that I look up the term "parentified daughter," suggesting that it might resonate deeply with my experiences. As I delved into the concept, it was like holding a mirror to my life. Growing up as the eldest child, I never truly experienced what it meant to be a teenager. My childhood was overshadowed by responsibilities that were beyond my years. My father worked abroad, and my mother was busy with her own career, leaving me to take on the role of a caretaker for my younger siblings from an early age. Even as an elementary school student, I was tasked with ensuring my siblings returned home on time, completed their chores, and avoided conflict. It was a lot for a child to handle, but I didn’t ques...